Tuesday 14 July 2009

FUNNY THINGS

Imperfection in this gift of life is inevitable. There were circumstances where in we get disappointed with ourselves, or feel like we want to be invisible in a glimpse on that moment of embarrassment. Negative points of view arise on individual's psyche whenever we experience something we wish we had never participated at. However, if we look at the positive point of view, and look back on those experiences of embarrassment, you'll discover that such things can just be something you can laugh at. Yes, it feels good to make fun of ourselves most of the time, and accept that we are never perfect.

In my 22 years of being human, interacting in this world of hives, I have gone through several laughable experiences. The last incident that marked on my mind happened way back on my last year in College. The school year was nearly ending, and graduation was nearly approaching. Everyone were busy furnishing their requirements, and apparently, I was one of them. Me and my friend went our way to the laboratory building where the graduation pictures could be checked for their availability. We were so excited of how we would appear on the newly developed photographs, so we were rushing on our way to be able to avoid the crowded space on the area. There were lots of activities being held on the laboratory, the weather was moisturizing our skin profusely. I was really weak when it comes to that, and my stomach is crying at the same time giving me the perception that I will faint at any minute. When it's our turn to be served, we were not really surprised to hear that our photographs were not yet released. We just had the thought, that maybe that time we could have been more lucky, and maybe our school officials might have had formulated a better plan as of the last year of my school year on the University. As we exit the room, we walked past the crowded students by the hallway, while busy chatting and criticizing the seemingly snobbish guy who entertained us just a minute ago. My legs were feeling some aching sensation of the long walking, standing and waiting we have been doing. We took the stairs, and the first step was a success, and so was the second and third. As I took the fourth step, I just slid down in an instant, while my brain was vibrating aggressively, until I was oriented back to reality finding myself seated inappropriately with my white uniform at the last two steps of the short wooden stairway. The first thing I did as I recuperated from the fall was to laugh my lungs out jamming with my friend feeling so high beside me, releasing as much endorphins as I could. The moment I sensed other sounds aside from ours, I instinctively turned my eyes towards the directions of the students lined up on the hallway just before the stairway, and composed my muscles to help me stood up as my friend assisted me. While I scrutinized their faces, I had gathered the reaction of shock printed on their faces. It was really weird because I expect that they would laugh harder than I did to myself. Gladly, I thank myself that I have stored strength to laugh at myself readily on such an incident. At least, shame did not run through my veins at that funny moment of my life. That particular area on the University was something that I can never forget, for the incident kept recurring on my mind.

Speaking of this secluded area at one corner of the University, I actually had another scene that took place right there by the laboratory, but this time, not on the stairs, and neither did it cause me pain. On this scenario, it was my savior. This incident was more remote, I was on my second year then. I had chosen to enroll on a swimming lesson on that semester for my Physical Education. The pool was located just beside my favorite laboratory building. Time was running late for me as always, so I hurried on my way to the canteen to pay for my ticket to use the swimming pool. Weird right?Yes, we still have to pay for it on some amount. Accidentally, I had a glimpse of a friend so I walked forward to approach her. She started the greeting, reporting to me that my admirer has flowers on his back pack. I felt a sort of disgust on my nerves as I interpret the information that he will hand it to me, while laughing at the probability of the situation. The swimming lesson was terrible with the rain showering us. I could hardly concentrate, adding my awareness that he was observing me the whole time, and formulating his plan of his flowers. I run to the shower room at the very moment that I got out of the pool. My level of confidence of exposing much of my skin is fairly weak. I had spent almost thirty minutes inside the shower room, while secretly checking outside if he was still there. His appearance never fades each time I peeped by the door, and I preferred not to leave the secluded area even when everyone was almost done. After many failures, I caught him not facing towards the door, so I took the chance to sneak out and ran with all my stored energy, finding the safest place to turn. I immediately secured myself on the ladies comfort room on the laboratory building. It took me twenty minutes before I had managed to gain composure and leave the building safely. After the last class, I was ready to engage on the last challenge of that exhausting day, that was to surpass that guy and leave the University without sweating on entertaining him on the most courteous way I can.Unfortunately, my plan was disrupted, and I had no power to turn him down as he caught me stepping out of the room. The moment I heard my name being articulated by someone I had been getting rid of, I felt like I was lost in a grave battle. I accepted the flower wearing the most pretentious smile. The moment he lost sight of me, I threw the the flowers that were ready to give up after a long wait on the very first trash can that my eyes caught. It was so mean of me, I admit it. But still, I felt success soothed my soul.

Some things that had happened to us were not appealing enough for our taste. However, in some way or another, it may turn out that we can still put ourselves on the leading role of our stories. Such funny experiences were a remembrance of life, things that we can freely reminisce and make us feel high-spirited again and again and again.

Friday 26 June 2009

Puyat

Malalim na ang gabi, ngunit ako ay hindi mapakali. Nais ko na sanang matulog, ngunit sinubukan ko na lahat ng posisyon ng paghiga, hindi pa rin ako matahimik. Ang wari ko ay madaming nagiisip sa akin na pumipigil sa aking pagtulog. Alas dyis ng ako ay nagplanong matulog. Alas dose ay lumipas na. Umaga na, mulat pa din ang mga mata ko. Nang biglang sumagi sa isipan ko ang isa sa pinakamasasayang pangyayari sa buhay ko. Lumipad ang isip ko pabalik sa Pilipinas, pabalik sa nakaraan.

______________________________________________________________________

Lumubog na ang araw, at nagsiuwian na ang ibang studyante. Tahimik ang paligid, ng sa isang banda ay may mistulang mga unggoy na nagtatatalon. Nang nasilayan ang professor, ay dali-daling nagsipasok sa kanilang kwarto. Tahimik ang lahat na para bagang mga anghel. Patagong nagbulungan ang mga estudyanteng nasa harapan, grupo ng mga babae na may pare-parehong berdeng ipit. Sa sandaling iyon, na-interrupt ang guro sa pag-eeksplika ng aralin at nagtanong, "Nais niyo ba ibahagi ang inyong pinaguusapan?". Ang kwarto ay napuno ng katahimikan, bukod sa tinig ng lalaking-lalaking boses ng guro. Nang may biglang sumabat "Si Robot po", yun ay tinig ni Rio. Nagtawanan ang halos buong klase pati mismo ang guro na medyo napakunot pa ang ulo sabay wikang"Sinong Robot?" Lalong lumala ang tawanan at ang isa ay halos di na maharap ang professor, ang tinutukoy nilang Robot, at ako yun. Anu pa nga ba, at pati mismo ang guro namin ay nalaman na ako ay isang "Robot". Haiii....nawala ang init ng ulo ng guro, ngunit ito ay pinagsibulan ng bagong tuksuhan.

____________________________________________________________________

Ang mga dalagang ito ay mistulang mga high-school sa ikinikilos na minsan ay hindi na makatao. Sakitan, sapukan, pintasan, brutal nga ika nga ng iba. Bawat pagkakataon ay sadyang nakakatawag pansin, ang iba ay nabibwisit sa aming pagkawalang bahala sa paligid. Isang umaga, nahuli sa klase ang limang ito sapagkat ugali nila ang maghintayan sa labas ng unibersidad para sabay-sabay na pumasok. Yan ang tropang walang iwanan. Hindi ko lang matumpok kung sino nga ba ang laging pinakamatagal dumating. Ito ba ay si Kulot?O c A.C.? Hmmm.... Kahit sino pa man sa kanila, kaming lima ay late sa FCL class namin ng umagang iyon. Dali-daling umakyat ang sa pagbabakasakaling maunahan ang guro. Ngunit, kanilang narinig sa labas ng kwarto, na nagsisimula na ang aralin. Tawanan pa nga ang mga ito habang nagpaplano kung paano eentra ng hindi nakakatawag ng pansin. "Toktoktok"katok ng isa, sabay bukas ng pinto at deretso sa pinakaharap na upuan. Sunod-sunod ang apat sa pagpasok habang nakatitig ang lahat sa kwarto at halatang natatawa. Nasaan ang isa? Sa hiya ko, ng makita ko sila sa itsura nila, nag-ipon muna ako ng lakas ng loob ng ilang segundo at pinilit maging seryoso. Pagpasok ko, ako ay hindi nakapagpigil na mapabungisngis. Mabuti na lamang at napakabait ng guro namin doon. Nakaligtaan ko lamang ang kanyang pangalan. Sino ba ang mag-aakala na sa pagkakataong iyon ay napangalanan kami ng "VOLTES 5" ng aming mga kaklase. Ito daw ay sa dahilang lagi kaming sama-sama at pare-pareho pa ng gamit. Oo nga naman!

_____________________________________________________________________

Nga pala, paalala lang, kami ay nasa ikalawang taon na nito ng kolehiyo, ikalawang semestre. Isa sa pinakamasayang momentum sa kasaysayan ng kolehiyo namin at muli kaming nagkasama-sama sa isang klase. Kahit may sariling mundo, ay alam niyo na, marunong din pala tumingin sa iba ang mga ito. Ang tinutukoy ko dito ay ang mga kalalakihan na nakakatawag pansin sa kanila ng mga panahong iyon. Pagdating sa karanasan sa pag-ibig, si Kulot ang pinakabihasa, pahabol uli, ng mga panahong iyon. Ang iba ay hindi pa nakakaranas makipag-relasyon sa kabilang kasarian, at kahit sa kaparehong kasarian. Alam mo na ... ang pinupunto ko dito e yung buhay pag-ibig. Si Rio at arlene sa palagay ko ay may karanasan na din noon ngunit ika nga nila ay "fling lang", walang seryosohan kung baga. Pagkatapos na pagkatapos ng klase, nakalinya ang limang ito pababa sa hagdan , paderetso sa C.R. Nakaugalian na nila ito, lalo na si Ms. Retouch, si Rio a.k.a Apeng. Parang mga kambal kahit sa amoy pare-pareho ng pabango. Entra ni Rio, "My crush ako". Dali-dali namang nagtanung ang apat kung sino na naman ang kalalakihang ito na nakabighani sa aming kaibigan. Dahil sa aming pagkakaalam ay mabilis nga mahulog itong babaeng ito. Ayaw umamin ng babaeng umiibig kung sino nga ba ang natitipuan. Wari'y nadismaya ang apat, ngunit di na namilit. Anu pa nga ba at umamin din ang malihim na babae, at napagalaman namin na iyon ay ang matangkad, tisoy, at matalinong kaklase namin na lalaki. Ok siya ngunit ang iba sa amin ay hindi naakit, lalo na ako. Sabagay, tama lang yun, para walang agawan. Ngunit ito ay may nobya na. Isang beses nalang ng mapag-alaman namin na ang tunay pala na gusto ni Rio ay yung maliit na lalaki sa klase, nakasalamin, at malaki ang mata. Sino nga ba yun Rio? Siya ay nakakatuwa kaya siguro nabighani ang aming kaibigan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ng kaibigan, ngunit sa tuwing sila ay magkakasalamuha, ito ay kilig na kilig. Sa ingay ng mga bunganga, ang dapat sana ay lihim lamang ng grupo ay nabulgar sa buong klase. Hiya ang sinapit ni Rio, ngunit hindi pa rin mapigilan ang sarili sa tuwing masisilayan ang binata. May pinagselosan pa nga itong barkada ng lalaki, hanep umibig si Apeng.
Isan gabi, ako ay nasa baby bus,"VIBRATE" ika ng cellphone ko,"Andito kami sa MCDO ni Arlene, kasama c **** at ***(ang lalaking tipo niya at yung nalink sa akin)artistahin? Ayun na nga at naproseso ng utak ko ang nais niya iparating, ang bumalik ako. Nang panahong iyon, ako ay walang interes at nais ng umuwi. Masaya na naman si Rio ng gabing iyon. Masyado silang madaming pagkakataon na dalawa, ngunit hindi ko rin maintindihan ang lalaki sa kanyang nararamdaman sa aking kaibigan. Sila ay sadyang magugulo. Anung nangyari sa kanila? Hindi HAPPY ENDING eh. Wala kasing simula.
____________________________________________________________________

Puting-puti ang mga suot, ang libreng maitim na pulbos ay dumadampi sa kanilang mga uniporme. "Pasok-pasok, maluwag pa"ika ni Manong driver ng dyip. Siksikan na ang mga pasahero kabilang ang limang dalagita at may isang lalaki? Tama, may kasama silang lalaki, si Jed, ang nobyo ni A.C. ng mga ilang araw. Magkatabi ang dalawa at para bang naputulan ng mga dila, habang ang iba ay nasa kabilang upuan ng dyip at kunwaring walang pakielam sa dalawa, ngunit panay ang bulungan"Magka-holding hands sila oh"ika ng isa. Kasama nga pala namin si Vanny ng panahong iyon...si"May lezard sa celeNG?" Nakakaaliw pagmasdan ang dalawa habang tinatago ang kanilang pag-hahawak kamay. Magulo, maingay, madaming tao, nasa Baclaran na pala kami, kaya naman pala. Mais, mangga na may bagoong, itlog pugo, tubig, yan ang baon namin patungo ng baywalk. Kakaiba talaga. Wala kaming sapat na pera para makiupo at umorder sa mga kainan sa lugar, kung kaya kami ay pumwesto sa may mauupuan sa harap ng dagat, habang nanginginain, nagkekwentuhan, at tawanan. Kahit saan, basta magkakasama nga ang mga ito, masaya na ang buhay. Picture-picture..."CLICK". At syempre, ang love team, si Grace at Jed. Pauwi na sana,"Oi Robot may tagos kah!"ika ng isa . Anu daw? Ako ba yun? Oo nga inabot pa ako ng tagos. Ayun may silbi pala si Jed at nahiram ko ang uniporme niyang pantaas para ipantakip ko sa tagos. Nagbyahe ako noong gabing iyon hanggang Cavite na para bang doctor na baduy na may blazer na pagkalaki-laki. Nalampasan din naman. Salamat. ang dalawang magsing-irog ay tumagal ng 10 days, sa dahilanang hindi daw magkaintindihan, at nag-unahan na makipagkalas sa isa't isa, yun ang tinatawag nilang "PRIDE".
____________________________________________________________________

Ang kwento ng buhay pag-ibig ko naman ang aking ibabahagi. Pero babala lang, hindi ako nakakasigurado kung pag-ibig nga iyon,ika nga ng lalaking gusto ni rio, "INFATUATION" daw. Palagay ko nga iyon ay isa lamang matinding paghanga, ngunit para di na magulo, ibahagi na natin yan sa kategoryang pag-ibig sa aking kwento. Siya si ***, ang pinakamalapit na kaibigan ng lalaking nais ng kaibigan ko. Nakakatuwa ang sitwasyon noh? Yan ang eksatong naramdaman ko nun. Ganyan talaga siguro pag isip-bata. Nang una ko siyang makita, aminado ako na ako'y tunay nga naman na humanga sa binata na hindi rin katangkaran pero matalino at masipag, maitsura siya hah kahit medyo tigyawatin at oily at nagpupunas ng alcohol sa muka. Wala ako sa sarili ko ng biglang nangasar"Kulot crush mo yun noh!". Mula noon, natukso na ang dalawa sa klase. Ako ay sadyang malihim, kaya kahit naganap na ang paghanga kong iyon, walang nakaalam kahit isa sa grupo. Isang beses ng kami ay galing sa Uniwide kasama ang tropa nila at pabalik na ng unibersidad...Halos puno na ang dyip at siya na lamang ang hindi nakakasakay, pinagdasal ko na sana ay hindi sa akin mapatabi. Tinutukso namin na kay kulot sita tumabi, at tumalon ang puso ko ng tumungo siya sa direksiyon ko at doon naupo sa aking tabi. Masaya ako ngunit nilihim ko pa din iyon.Isang tahimik na gabi sa bahay,"One new message", si Rio na naman. "Oi crush ka daw ni ***". Dali-dali akong sumagot, "Huh?Panu nangyari yun?Anu ba sinabi mo?Anu sinabi niya"Ganun nga ba reaksiyon ko? Basta sunod-sunod na ang tanung ko, pero nagagalak ang kalooban ko ng oras na yun. Iyon kasi ang unang pagkakataon na nagustuhan din ako ng taong gusto ko. Hanggang sa naamin ko na sa tropa ang tunay na nararamdaman sa lalaki. Pebrero na, at nalalapit na ang "Valentines". May magaganap na programa kung tawagin ay "LUVAPALOOZA" sa my Roxas Boulevard. Hindi ako mapakali sa cellphone ko at naghihintay ng text sa SUN sim. Walang mensahe. Palit uli ng SMART SIM. "One new mesage", siya."Pwede ba kita isama sa luvapalooza ngayong gabi?"."Waahhh!!!!"kami ay nasa SM Southmall National Bookstore. Gabi na, traffic pa, at sino ba magbabalak na bumalik sa Roxas. Sa katunayan nanggaling na kami doon ng bandang tanghali, ang nais ko sabihin ay patungo na sana kami doon, ngunit hindi makadaan ang dyip kung kaya't bumalik nalang kami ng SM na parang mga lantang gulay na. Nasayang ang pagkakataon, yun ang naisip ko noon. Paano kaya kung natuloy ako doon? Hindi na klaro sa isipan ko kung anu ang nauna, ang araw na yun ba, o ang pagiiwan namin ng sulat kay "Rechard", siya yun. Pinangalanan namin noon, at pinagtripan sa telepono, na pinagbibidahan ng aming speaker na c Apeng na nagsasalita ng bisaya habang pinagttripan ang binata. Ang sulat ay naglalaman ng mga kalokohan na nagpapahiwatig na may tingin sa binata. Nabisto din ang kalokohan ng grupo dahil sa isang kaklase namin na hindi nakapagpigil sa nalaman. Hindi naman tumagal yun. Naglaho na rin. Salamat uli.
____________________________________________________________________

Time-check...Aba ala-una na.
____________________________________________________________________

Si ting-ting ay hindi rin pahuhuli. Ang tropa pag nakakaipon, tnitreat ang sarili. Pero kung walang ipon, may kupit naman si Ting-Ting sa tindahan nila. Siya ang manager ng grupo. Ting-ting man ang babaeng ito, may sex appeal din naman. Kaya nga nakapang-akit ng crew sa Chowking. Sa lakas ng dating niya, lagi kaming may extra milk sa halo-halo. Nakalibre pa ng black gulaman kay kuyang crew. Pero sorry siya, hindi siya pumasa eh. Minsan kahit walang pang fast-food chain, may silbi pa din sila sa amin lalo na sa akin. Favorite CR ko nga pala yung sa Chowking, at sa Male's C.R hah. Hindi ko malimutan ang pagkakataong sumama ang tiyan ko, at todo suporta ang mga kaibigan ko dala dala ang mga O.B. bag na may kidney basin, soap,..pati paper bag na may lamang tabo. Hai....nakakaraos naman...

____________________________________________________________________

Sa isang duty sa community, akalain mo ba namang kami ay napasayaw ng "CHOCOLATE" sa harap ng mga residente ng barangay na iyon sa Bacoor. Ang aming choreographer ay si A.C.
My mga araw na tatambay lang kami sa Mcdo ng di umoorderhanggang mag alas nuebe. Ganun katitigas mga muka namin!Sinusulit lamang ang oras na magkakasama at pag-uwi ng kanya-kanyang bahay, iba na ang simoy ng hangin.
____________________________________________________________________


Si Kulot ang pinakapikon NOON, lalo na pag pinatutulungan na. Isang beses hindi namin alam kung anung solusyon ang aming kailangang gawin sa tindi ng tampo ni kulot. Kung kaya't kinantahan nalang namin siya ng "HAIL Mary". Patawarin po kami ni Virgin Mary. Pero hataw din mangasar yan...

Bago matapos ang semestre na iyon ay pumasyal kami patungo sa lugar nila kulot sa probinsiya sa Quezon ng patakas, kung kaya't uwian kami. Mainit pero masaya ang mga tao na nagdidiwang ng Fiesta sa lugar. Naranasan namin na dumaan sa riles ng tren ng itnutulak lamang sa isang sasakyan, o di ko alam tawag basta may gulong. Kainan an isa sa paborito namin, at talagang hindi kami nakapagpigil sa pagngasab habang lumalanghap ng masarap na simoy ng hangin.Oops...parang bumantot ata. Ayun nasobrahan si Rio at hindi na nga nakapagpigil. Asan ang kubeta?Walang kubeta. Bago na namang karanasan ni Apeng ang maglabas ng sama ng loob sa open-space area.


"Masayang samahan ever"


Alas dos na ng ako'y muling napatingin sa orasan. Isang oras pa at na-knocked out na din ako. Salamat...